8.10.2009

It's Been 4 Months & 19 Days


The long wait is over.


After 4months and 19days na di ako nakapag-take ng aking vitamin TC, sa wakas nabusog ulit ang aking mga mata at puso. (Oha! san ka?!)

Desperate as I may say, pero ganun talaga eh. TINAMAAN NG MAGALING. Korak sina Ate Regine, pag nakita ko ulit c ULO babalik na naman ako sa aking "stalker-act". Which is so true, pero in moderation na this time. Kung dati eh halos araw-arawin ko lahat ng account niya (FS, Facebook, YM), ngayon naman paminsan-minsan na lang. *swear*

So eto na, ikukwento ko na ang kalandian ko. *Haha! Sorry naman for the term. XD*
Isa kasi to sa mga pangyayari sa buhay ko na di ko pagsasawaang sariwain.
Kababawang tunay, well, ganun talaga. Kanya-kanya lang to. :))

--------------------------------------------------

JULY 20, 2009 (Monday)

1st day ng Prelims. DOSAGE. Major hirap. *Thank GOD, pumasa naman po. :))*

Bale hanggang 12 lng kmi nun. Tapos may meeting pa para sa HonSoc ng 1:30. Buti andyan si Agnes para samahan akong mghintay. *ty Agz!* So ayun, 1:30 meeting na. Mga anong petsa na din natapos. Pero ayos naman, may mga bagong kakilala. So uwian na. Sabay kami ni daddy. Mga past 5:30 na dn cguro nun. Nung mga panahong yun, talaga namang major technical problem pa ang LRT. Yung tipong, delay na nga ang biyahe, jampack ang tao, ang bagal pa ng tren! Halos mag-iisang oras dn ata kmi sa LRT. Bilis noh?

"But it never came to my mind that it would be one of my most memorable uwian..."

As usual, sakay kmi ni Daddy dun sa unang jeep n makita namin going to Sta Lucia. Maya-maya pa habang nagpupuno ng pasahero, may sumakay: taga FEU. Tiningnan ko, ok cge. The next thing I saw, made my heart smile. *eew, cheesy! haha! true naman eh* Si TC, si ULO... Wala akong masbi, at talaga namang wala akong sasabihin that time. Malamang naman na sabihin ko kay Daddy na kinikilig ako di ba, at saka kilala ni ama yun, mahirap na. Di ko naman pwedeng batiin si Ulo mismo dahil di naman kmi "knowings". Avid fan lang talaga ako. Hahaha! XD

JOYRIDE. Alam mu yon. Sobrang unexpected. Saya. Sana lagi na lang ganun. Eh di nagbayad n cia. Kasama nia pla ung isa pang tga-FEU. I was looking at his direction nang bigla siyang napatingin. EYE-to-EYE contact: mga 3 seconds. Sudden rush! Kilig ng bongga. *super smile ako ngayon* Para bang magkakilala na hindi mamukhaan. Basta hirap explain! Kinabahan nga ako eh, baka na-sense niyang ako yung nang-gogoyo sa kanya s YM. Hahaha! Lukso ng dugo?! Eh di un na nga, medyo trapik at pabor naman sa akin yon. And here comes Sta Lucia, oras na para bumaba ng jeep, at sumakay naman ng pa-Cainta. So sakay naman na kami agad ni daddy ng pa-Cainta. Xmpre kasabay ulit namin cla. Pero this time, dun cla pumwesto sa tabi ng driver. Amf! Di ble ok n dn un. Ang nakakatawa, nung pagsakay niya, talagang tumingin pa siya sa likod, sa amin. Haha! Kaaliw talaga. Para bang nangingilala. Ewan. Feeling ako. Basta nakita niya ko. Happy na ko dun. :)) So go3x na ang jeep. Buti na lang talaga at medyo traffic. Last time kasi na nakasbay ko cia sobrang bilis ng byahe, parang dumaan lng. Consuelo dw kc this time, ilang months mo ba namang pangarapin na makita cia dba. Kabaliw talaga. Ang malaki niyang ULO *peace*, malalapad na balikat, cool na hairstyle na mdyo may kulay. Lahat yun napagamasdan ko ng bongga. HAAAYYY. Ang swerte ni ---, ang aking biggest rival. Yun lang ang masasabi ko. Grabe, kung yelo lng c TC natunaw n cia ng bongga. So here comes our stop, Parola. Bumaba na kami ni ama, sila din. Nagulat ako kasi iba direksyon ng lakad nia, papuntang tapsihan. Kakain pa cguro sila malamang. Definitely, nakasalubong namin ni daddy, at xmpre nagsukat naman ako ng height. GRABE. Balikat niya lang ata ako? O lower pa. Tangkad, super. So yun na, so long and goodbye na...

Kelan ko kya ulit cia makikita???

Sana hindi na ko maghintay ulit ng ilang months.

*memories that keeps me smiling* :)))